<$BlogRSDUrl$>

Monday, December 1


The Parental Guidance Tour Mania Part 2 


habang nagulat ako sa nakita kong hubad na pictures ng Cheeky Girls (kahit wala akong pakialam), tinignan ko yung stage: astig, mukhang dudugmugin to mamaya... nung naalala ko yung spikes kong bracelet, lumabas muna ako para kunin yun at ibigay sa nanay ko... nang bumalik ako, ang dami nang tao...

isa lang ang masasabi ko sa paligid ko... isang sambayanang puro JOLOGS!!! as in ngayon lang ako nakakita ng lugar na nagkumpulan ang sangkaterbang jologs... pero ayus na rin yon dahil nung pauwi na ako ay mas marami pang nakaabang sa labas... hindi makapasok at makaporma sa mga naglalakihang mga bouncers...

tumugtog ang NerveLine (bagong banda), The Late Isabel (gothic music), Fuseboxx (Grand Champion ng Red Horse Musiklaban 2003), Razorback, Sandwich, Valley of Chrome (kaklase ko kasama dito! astig!), Sugar Free, Urban Dub, ChicoSci, Greyhoundz, Slapshock at Virus Artists. Pero hanggang Urban Dub lang ako kasi umulan non at pinapauwi na ako ng otoridad. (read: parents)

Bilib din ako sa Sandwich, kahit na wala si Marc Abaya (sabi ni Lemon, nagpakulot daw, hehehe), nakuha pa rin nilang tumugtog kahit nabutas ang bass drum... ang hirap non, pero astig pa rin si Lemon, habang inaayos yung bass drum (tinape na lang dahil walang extra drums), tumugtog sha ng Sakyan (first single ng first album nila na Grip Stand Throw) at Enveloped Ideas ng The Dawn... nung may nagrequest na, "Eheads naman!" Sabi ni Lemon, "Sige ba!"... so tinugtog niya yung Andalusian Dog (second single galing Sticker Happy album)... astig talaga.

First time ko lang din napanood sa mahabang panahon ang Sugar Free... idol ko na talaga si Ebe!!!! :) First time ko rin napanood ang Urban Dub, yung bandang galing Cebu (sumunod sa Shiela and the Insects)... grabe, ang galing talaga nung babaeng bahista! :) sana ako rin, may banda...

Haaaaaay... nakakabitin. sayang hindi ko napanood ang Chicosci.. nandon pa naman si Mong, isa pang malupet na gitarista, crush ng mga dormmates ko, hehehehe :)

pero nakakalungkot ding manood ng concert ng mag-isa... gusto kong magkuwento tungkol sa mga bandang tutugtog, gusto ko ring sabihin na kilala ko yung host ng show dahil host din sha ng Admit One Second Anniversary dati sa Freedom Bar, at na taga-Marikina din yon, na kamukha ng dormmate ko yung isa pang host nila don na si Dylan... gusto kong kumanta ng malakas, tumawa... pero di pwede dahil ako lang mag-isa...

haaaaay... hirap talaga ng walang kausap. sana kasama ko yung mga dormmates at kabarkada ko non... kahit papano sila ang mga ka-wavelength ko pagdating sa mga ganito... *sniff*

Sunday, November 30


The Parental Guidance Tour Mania Part 1 


Kahit ako lang mag-isa, pumunta ako sa Parental Guidance Tour sa Marikina Riverbanks Center Amphitheater kahapon. Mukhang maaga ako, sabi ko sa sarili ko. Bago non sinamahan ko ang nanay ko sa Bingo. Pumunta ako don para bumili ng ticket, kasi base sa experience ko sa pagpunta sa mga concerts, kelangan maaga ka para hindi mahirapang pumila at makigulo sa mga jologs na gusto ring manood ng concert.

ayus! ako pa lang yung bumili. maaga pa kse. 6 pa naman yung simula, kaya bumalik muna ako sa nanay ko para makilaro ulit ng Bingo. nung 5:45 na, umalis na ako at bumalik sa Amphitheater. grabe, sa entrance pa lang, as in mega-frisk ang ginawa. sabi ko sa sarili ko... hmmm, wala naman shang makukuha sa akin, as if naman mukha akong makikigulo don no... pero bad trip, akala ko nakalusot na ako, biglang sabi ng ladyguard, "oie, bawal to ah, bat nakalusot to?" ...yung bracelet ko palang spikes (pwedeng makapatay yun sa dami ng spikes na nakapalibot sa wrist ko :)) yung nakita... so sabi nung lady-frisker: "miss, bawal to, dito muna to, kunin mo na lang mamaya...."

ako naman tong gulantang... "bakit? ha? saan ko kukunin?" tinuro sa akin yung kahon ng mga "bawal" na gamit. sha, sha... hmp, pano ako magsasaya nito kung yung isa sa mga gamit ko eh pinagpipiyestahan ng mga nakadreadlocks na ladybouncer?

pero ok lang yun, pumasok na rin ako... at holy banana! ang laki ng stage! ang laki ng venue! siguro kasya don ang 1000 tao. eh di asteeg, hanap naman ako ng pwesto (puro hagdan at damuhan kasi don... parang ala-greek theater yung itsura kse ng Amphi don.), yung tapat sa stage... habang wala pa, at nagsosoundcheck pa yung mga techies, bumili muna ako ng Pulp mag... Hmmm... A Perfect Circle! Ngek, bat nandito na si James Iha? Bat iba ata itsura ni Meynard? Huwaaaat?? Cheeky Girls going naked!?!? ...sha, basa na lang ako ng basa...

This page is powered by Blogger. Isn't yours?